Yugto ng pag unlad ng kultura ng tao
Panahon ng Neolitiko
Ito ay ang bahagdan ng ebolusyong kultural kung saan ang mga naiwan ng taong prehistoriko ay yaongmga kasangkapang bato na kininis bago sumapit ang panahong metal.Tatlong pamantayan ang kasamasa kahulugang ito-mga kininis na batong kasangkapan,palayok at agrikultura at domestikasyon ng ngahayop.
Mga Katangian:
- Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,naging permanente ang paninirahan ng mgatao.
- Nagsimula ang pagpapalayok.
- Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricksna ginagamit sa paggawa ng bahay.-
- Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sakanilang gamit.
- -Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka at asno bilang sasakyan o tagahilang parago o karuwahe.-
- Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.-
- Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produktong mga tao.-
- Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke.
Panahon ng Paleolitiko
Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga australopithecine. Dito ay laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat.
katangiang Paleolitiko
- Ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang basket,
- Ang paggamit nila ng apoy
- Ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain
- Ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat nga hayop
- Ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin at ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.
Panahon ng Mesolitiko
Nagsimula ang panahong Mesolithic o Panggitnang Panahon ng Bato (Middle Stone Age) noong bandang 8000 B.K. at tumatagal nang libu-libong taon. Kasamang namatay ng panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao, at napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa kasalukuyan. Natunaw na rin ang makakapal na yelo sa pagtatapos ng panahong Pleistocene kaya’t lalong lumawak ang mga lupang maaaring panahanan ng mga tao. Bagama’t nanatiling bato ang mga kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong Mesolithic lumiit naman ang mga ito at naging mas pino.
Katangiang Mesolitiko
- Nagsilbing isang trasisyon na panahon sa Kulturang Neolitiko
- Nag magsimulang matunaw ang mga glacier, umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at dagat
- Nanirahan ang mga taong mesolitiko sa mga pangpang.
- Nadagdagan ang mga uri ng pagkain
Panahon ng Metal
Sinasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia. Subalit ang Panahon ng Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at sandata ng mga tao. Sa Asya Minor unang sinimulang gamitin ang asero noong 1400 B.K., at sa Austria sa Europa noong bandang 1100 o 1000 B.K. Sa ilang bahagi ng Asya at Aprika, hindi ginamit ang asero kundi noong makalipas pa ang ilang dantaon matapos na ito ay masimulang gamitin sa Mesopotamia. Sa Amerika naman, dumating ang asero at naging bahagi ng kultura doon nang dalhin lamang ito doon ng mga Europeo noong taong 1500 hanggang 1600 K.S.