Yugto ng pag unlad ng kultura ng tao  

Yugto ng pag unlad ng kultura ng tao

 

images (6)

 

Panahon ng Neolitiko

Ito ay ang bahagdan ng ebolusyong kultural kung saan ang mga naiwan ng taong prehistoriko ay yaongmga kasangkapang bato na kininis bago sumapit ang panahong metal.Tatlong pamantayan ang kasamasa kahulugang ito-mga kininis na batong kasangkapan,palayok at agrikultura at domestikasyon ng ngahayop.

 

Mga Katangian:

  • Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,naging permanente ang paninirahan ng mgatao.
  • Nagsimula ang pagpapalayok.
  • Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik tulad ng bricksna ginagamit sa paggawa ng bahay.-
  • Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sakanilang gamit.
  • -Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka at asno bilang sasakyan o tagahilang parago o karuwahe.-
  • Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng tao.-
  • Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang sistema ng palitan ng mga produktong mga tao.-
  • Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke.

 

Panahon ng Paleolitiko

Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa kahoy at madaling masira. Ito ang panahon kung saan ginagamit ang bato bilang kasangkapan ng mga australopithecine. Dito ay laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat.

 

katangiang Paleolitiko 

  • Ang paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang basket,
  • Ang paggamit nila ng apoy
  • Ang pangangaso nila at pangunguha ng gulay bilang pagkain
  • Ang pagsusuot nila ng mga damit na gawa mula sa mga balat nga hayop
  • Ang paminsan-minsan nilang pagtulog sa mga kuweba, samantalang nagtatayo rin sila ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin at ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan.

 

Panahon ng Mesolitiko

Nagsimula ang panahong Mesolithic o Panggitnang Panahon ng Bato (Middle Stone Age) noong bandang 8000 B.K. at tumatagal nang libu-libong taon. Kasamang namatay ng panahong Paleolithic ang malalaking hayop na nagsisilbing pagkain ng mga tao, at napalitan ng mga hayop na nakikita natin sa kasalukuyan. Natunaw na rin ang makakapal na yelo sa pagtatapos ng panahong Pleistocene kaya’t lalong lumawak ang mga lupang maaaring panahanan ng mga tao. Bagama’t nanatiling bato ang mga kasangkapang gamit ng mga tao noong panahong Mesolithic lumiit naman ang mga ito at naging mas pino.

Katangiang Mesolitiko

  • Nagsilbing isang trasisyon na panahon sa Kulturang Neolitiko
  • Nag magsimulang matunaw ang mga glacier, umusbong ang mga kagubatan at mga ilog at dagat
  • Nanirahan ang mga taong mesolitiko sa mga pangpang.
  • Nadagdagan ang mga uri ng pagkain

 

 

Panahon ng Metal

Sinasabing bago pa man sumapit ang 2500 B.K. ay mayroon nang nagtutunaw ng mga dukalin (ore) upang gawing asero o bakal sa Mesopotamia.   Subalit ang Panahon ng Asero ay karaniwang inilalagay ang simula sa petsang 1000 B.K., nang tuluyan na nitong mapalitan ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitan at sandata ng mga tao.  Sa Asya Minor unang sinimulang gamitin ang asero noong 1400 B.K., at sa Austria sa Europa noong bandang 1100 o 1000 B.K. Sa ilang bahagi ng Asya at Aprika, hindi ginamit ang asero kundi noong makalipas pa ang ilang dantaon matapos na ito ay masimulang gamitin sa Mesopotamia. Sa Amerika naman, dumating ang asero at naging bahagi ng kultura doon nang dalhin lamang ito doon ng mga Europeo noong taong 1500 hanggang 1600 K.S.

 

MGA REHIYON SA ASYA

MGA REHIYON SA ASYA

 

asiaregions

Ang mga Rehiyon sa Asya at tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona. Isinasaalang-alang sa paghahati ang mga salik na nabanggit: pisikal, historical at kultural. Batay sa mga salik na ito , nahahati sa limang Rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya.

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating SOVIET CENTRAL ASIA Kazakhstan, Kyrgyzstan,Tajikistan,Turkmenistan. At and Uzbekistan. Kilala rin ang Rehiyong ito sa katawagang CENTRAL ASIA (Gitnang Asya) at INNER ASIA.

Ang Kanlurang Asya ang Rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig- ang Africa, Asya at Europe.Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na GULF STATES ng Yemen, Oman, United Arab Emerates, Qatar at Bahrain, Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, Turkey, Georgia, Armenia at Azerbaijan.

Ang Timog Asya ay binubuo ng mga tinatawag na bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan, at Bangladesh, mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. At ang pinakamalaking bansa sa rehiyon sa usapin ng sukat ng teritoryo at pupolasyon, ang India.Kadalasang tinatawag ang Timog Asya na Land Of Mysticism dahil sa mga paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito gaya ng Hinduism, Buddhism, Jainism at Sikhism.

Ang Timog Silangang Asya naman na nakilala bilang FARTHER INDIA at LITTLE CHINA dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon. Nahahati ito sa dalawang Subregion:

 Ang pangkontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia binubuo ng Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.

Ang pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular Southeast Asia ay binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore at East Timor.

Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, Taiwan at Mongolia.Sa rehiyong ito umusbong ang Confucianism, Taoism at Shinto.

 LOKASYON NG ASYA

 

LOKASYON NG ASYA

 

                                                 globo

Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo, mahalagang mabatid muna ang ilang mga konseptong may kaugnayan dito.

Ang longitude ay ang distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian.Ito rin ay malalaking bilog o great circles na tumatahak mula sa North Pole patungong South Pole.

Ang Prime Meridian na nasa Greenwich sa England ay itinatalaga bilang zero degree longitude.

Ang latitude ay ang distansyang angular na natutukoy mula sa hilaga o timog ng equator o ekwador.

Ang equator ay humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere o hemispero. Ito rin ay tinatakda bilang zero degree latitude.

Ang Tropic of Cancer ay isang linyang imaginary na tumutunton sa hilagang hangganan ng Tropical Zone. Ang Tropic of Cancer ay matatagpuan 23.5 degree hilaga ng equator.

Ang Tropic of Capricorn ay isang linyang imaginary na tumutunton sa timog na  hangganan ng Tropical Zone. Ang Tropic of Cancer  ay matatagpuan 23.5 degree timog ng equator.

 

mapa   

Batay sa tradisyon, ang hangganan mg Asya sa Hilaga ay mula sa paanan ng Ural Mountains, ang tradisyunal na hangganan ng Europa at Asya, sa baybay-dagat ng Kara Sea hanggang sa Bering Staits; mula sa Bering Straits tutungo patimog hanggang sa Pacific Ocean, madadaanan ang kapuluan ng Japan, Taiwan, hanggang sa hilaga ng Pilipinas; mula sa hilaga ng pilipinas tutungo sa Timor Sea; mula rito ay pakanluran tungo sa Indian Ocean at Arabian Sea, babagtasin ang Red Sea patungo sa hilaga hanggang sa Mediterranean Sea; dadaanan ang baybayin ng Asia Minor sa bandang Aegean Sea, dadaanan ang Caucasus Mountains tungo sa Caspian Sea; at mula sa Caspian Sea tungo sa Ural River pabalik sa Ural Mountains.